Cone minomonitor ang mga Ginebra Gin Kings
MANILA, Philippines — Bagama’t wala pang katiyakan kung kailan ibabalik ang mga laro ng 2020 PBA Philippine Cup bunga ng coronavirus disease (COVID-19) ay mino-monitor pa rin ni Barangay Ginebra coach Tim Cone ang kanyang mga players.
Gamit ang Viber, nagpapalitan si Cone at kanyang mga Gin Kings ng mga mensahe.
“We have a Viber group where we can send messages to the players and monitor everyone’s health and safety,” wika ni Cone.
Tatlong araw matapos buksan ang torneo noong Marso 8 ay sinuspindi ni PBA Commissioner Willie Marcial ang mga laro dahil sa paglaganap ng COVID-19.
At habang walang laro ay binigyan ni Cone ng gagawin ang kanyang mga players sa kanilang mga sariling tahanan.
“I’m more concerned about motivating them to stay healthy and safe right now in this unprecedented time,” wika ng 22-time PBA champion coach. “We give the players daily home workout regimens that we expect them to follow.”
Sa kanya namang bahay ay itinuturo ni Cone sa kanyang anak ang fundamentals ng basketball.
- Latest