^

PSN Palaro

Mcgregor interesado talaga kay Pacquiao?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Mcgregor interesado talaga kay Pacquiao?

MANILA, Philippines — Inihayag ni UFC champion Conor McGregor na pinaplantsa na nito ang planong muling sumabak sa isang boxing fight.

Kaya naman buhay na buhay ang pag-asang makasagupa nito si eight-division world champion Manny Pacquiao na kamakailan lamang ay lumagda ng kontrata  sa parehong management team na kinabibilangan ni McGregor.

Hindi na maaalis ang boksing sa isip ni McGregor.

Sa katunayan, nasa dugo na nito ang boksing dahil bata pa lang ay isa na ito sa kanyang mga nilalaro.

Marami itong natutunan sa boksing na nagagamit nito sa UFC.

“I learned many things boxing in Crumlin where I grew up, and my deep love is why I do this today. I will be in the Octagon again soon and fully expect to box again,” ani McGregor sa panayam ng Bleacher Report.

Hindi nagbigay ng eksaktong detalye kung sino ang makakalaban nito.

Subalit maugong na ang usapang gumugulong na ang negosasyon para matuloy ang McGregor-Pacquiao fight.

“You will need to stay tuned, but trust me--the fans will enjoy. Giving them what they want and entertaining them is important to me,” aniya.

Nilinaw ni McGregor na piling pili ang pinapasukan nitong laban sa boxing.

Ayaw nito ng mga pi­pitsugin lamang. “I look for a good scrap, and if it isn’t going to be that, I have no interest,” aniya.

Hindi rin totoo na ginagawa niya ito para lamang sa pera. Ipinagmalaki ni McGregor na mayaman ito na kayang buhayin ng marangya ang kanyang pamilya.

“The money is not why I do this. I am a very rich man, and my children and those that come after them will be just fine. I love the fight game,” ani McGregor.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sasabak si McGregor sa boksing.

Una na nitong hinarap si undefeated American fighter Floyd Mayweather Jr. noong 2017 kung saan lumasap ito ng 10th-round knockout loss.

Sa kasalukuyan, wala pang napipipli ang kampo ni Pacquiao kung sino ang sunod na makakalaban nito.

Target ng grupo ng Pinoy champion na magbalik sa ring sa Hulyo kung magiging maayos na ang sitwasyon sa iba’t ibang panig ng mundo.

Kasalukuyang dumaranas ang buong mundo ng krisis dahil sa coronavirus pandemic.

vuukle comment

CONOR MCGREGOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with