^

PSN Palaro

Orcollo no. 1 pa rin sa money maker world ranking

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Orcollo no. 1 pa rin sa money maker world ranking

MANILA, Philippines — Nanatili sa No. 1 spot si dating world champion Dennis Orcollo sa world ranking ng Az Billiards Mo­ney Maker List matapos ang ilang malalaking torneong ginanap sa US circuit.

Sa first quarter pa lamang ng taon, nakalikom na si Orcollo ng tumatagin­ting na $59,650 premyo ngunit mas malaki pa sana ito kung natuloy ang ilang malalaking torneong nakansela dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

Limang titulo na ang nasikwat ni Orcollo.

Pinakamalaking kinita nito nang makuha ng Pinoy cue master ang Master of the Table sa 2020 Derby City Classic na ginanap sa Elizabeth, Indiana kung saan nagbulsa ito ng $20,000.

Dagdag pondo pa ang $16,000 na nakamit nito sa 9-Ball Danks Division ng 2020 Derby City Classic.

Naghari rin si Orcollo sa 6th Texas Open 10-Ball Championship ($4,000), 2020 Music City Classic Midnight Madness ($4,000) at 2020 Scotty Townsend Memorial 10-Ball Cham­pionship ($1,700).

Namamayagpag ang Pinoy squad sa US circuit dahil tatlo pang Pilipino ang nasa Top 10 ng listahan - sina No. 4 Lee Vann Corteza, No. 5 Zoren James Aranas at No. 6 Francisco “Django” Bustamante.

Humakot si Corteza ng $26,000 kabilang ang $16,000 sa kampeonato nito 2020 Derby City Classic 9-Ball Division at $8,000 sa kanyang runner-up fi­nish sa 2020 Derby City Classic Bigfoot Challenge.

Umangat naman sa puwesto si Aranas na may $24,790 sa bulsa.

Nagkampeon si Aranas sa 2020 Scotty Townsend Memorial 9-Ball Championship ($4,000) at pumangalawa sa 2020 Diamond Las Vegas 10-Ball Open ($10,000).

Mayroon namang $19,740 premyo si Bustamante kung saan pinakamalaking nakuha nito ang $10,000 matapos mamayagpag sa 2020 Scotty Townsend Memorial One Pocket.

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with