^

PSN Palaro

Kanselado lahat ng laro

ABYLIEVE - Aby Maraño - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa paglaganap ng epidemiyang dala ng coronavirus na nagmula sa China, ang Manila ay nakasailalim sa isang community quarantine ngayon. Hindi maaaring lumabas at pumasok ng Manila maliban sa mga  empleyado ng isang kompanya o anumang ahensiya dahil ayon sa gobyerno ay tuloy ang trabaho. Tuloy din ang operasyon ng mga bangko, malls, at iba pang mga kompanya ngunit ipinatigil ang anumang mga event or mga ganap na nangangailangan ng pagpupulong-pulong upang makaiwas sa virus.

Simula nang mag-anunsiyo ang Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang Huwebes ika-13 ngayong buwan na ang Manila ay under community quarantine, kasabay nito ay ipinagbabawal na rin ang paggamit ng anumang court o gusali kaya naman huminto rin ang lahat ng ensayo at laro ng mga manlalaro. Ipinagbabawal na magpatuloy sa ensayo at paglalaro ang mga atleta upang ipaliwanag ang social distancing at maiwasan na magkamit ng coronavirus.

Kanselado na lahat ng laro sa lahat ng mga liga dito sa Manila. Kanselado ang PBA, UAAP 82, MPBL, PSL at iba pang mga prestihiyosong kompetisyon ng mga atletang Pilipino habang ang NCAA 95 naman ay terminado. Dapat lang na unahin ang kaligtasan ng mga atleta at coaches. May isang Italyanong manlalaro ng football na si Daniele Rugani ang nagpositibo sa coronavirus at dalawang NBA players na sina Donovan Mitchell at Rudy Govert ay positibo rin. Sinuman sa mga atleta natin ay siguradong hindi papayag na magkaroon ng ganitong klase ng sakit.

Bagaman isang buwan at dalawang Linggo ang kailangang tiisin ng mga atleta dahil sa community quarantine na ito. Kinakailangan pa rin nilang magpakundisyon ng kanya-kanya upang hindi mahirapan kapag bumalik na muli ang lahat sa normal. Sa ngayon, ang ehersisyo ay sa bahay na lamang gagawin.

Para sa lahat ng mga atleta, magtiis na lang muna. Ugaliing uminom ng maraming tubig para laging hydra­ted, umiwas muna sa mga crowded na lugar, magsuot ng mask, mag-sanitize at maligo kaagad tuwing galing sa labas ng bahay, huwag lumabas ng bahay kung sa tingin ninyo ay masama ang pakiramdam ninyo, at inumin ang mga personal na bitamina at supplements para mapanatili ang malakas na immune system.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with