^

PSN Palaro

World Cup na lalahukan sana ni Yulo kanselado rin

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
World Cup na lalahukan sana ni Yulo kanselado rin
Carlos Yulo

MANILA, Philippines — Sumama na ang 2020 FIG Artistic Gymnastics Apparatus World Cup sa humahabang listahan ng mga kanseladong events dahil sa coronavirus outbreak.

Lalahukan sana ang torneo ni world champion Carlos Edriel Yulo mula Marso 12 hanggang 15 sa Baku, Azerbaijan.

Ito sana ang magsisilbing tuneup game ni Yulo bago sumalang sa 2020 Olympic Games na lalarga naman sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9 sa Tokyo, Japan.

Mismong si Yulo ang nag-share ng naturang balita sa kanyang social media account.

“The finals of the FIG Apparatus World Cup in Baku have been cancelled following the decision of the go­vern­ment of Azerbaijan to avoid mass gatherings in the country for one month,” ayon sa ibinahaging post ni Yulo.

Gayunpaman, may nakatakda pang lahukan si Yulo - ang 9th Asian Senior Championships na gaganapin sa Tokyo, Japan sa Mayo 2 hanggang 5.

Kaya naman tuloy lang ang ensayo ni Yulo bilang paghahanda sa Asian meet at sa Tokyo Olympics kung saan malakas ang tsansa nitong makasungkit ng gintong medalya sa kanyang paboritong floor exercise.

Magugunitang nagkampeon si Yulo sa naturang event sa 49th FIG Artistic Gymnastics World Champion­ships na ginanap sa Stuttgart, Germany noong nakaraang taon.

Sa parehong torneo rin nakasikwat si Yulo ng tiket sa 2020 Tokyo Olympics.

Plano sana ng Gymnastics Association of the Philippines na ipadala si Yulo sa Russia para sumailalim sa training camp.

Subalit tumanggi ang Russian association dahil na rin sa pangambang dulot ng coronavirus.

Puspusan na ang training ni Yulo sa Tokyo kasama si Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Ilang mga bagong routines ang ini-ensayo nina Yulo at Kugimiya na magiging armas ng Pinoy world champion sa Tokyo Olympics.

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with