^

PSN Palaro

PBA kokonsulta muna sa DOH sa pagbabalik-aksyon

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bago ibalik ang mga aksyon sa 2020 Philippine Cup ay kokonsulta muna ang Philippine Basketball Association sa Department of Health.

Nagdesisyon ang PBA Board of Governors na pansamantalang kanselahin ang mga laro sa season-opening conference bunga ng pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong bansa.

Wala pang petsa kung kailan ibabalik ang mga ak­syon sa torneo.

“Ide-determine rin namin. With the help of DOH, ma­kikita rin naman natin eh,” wika ni PBA Commissioner Willie Marcial. “Kaya rin naisipan ng Governors ‘yun ka­si nagsimula sa three, five, biglang sumirit ng 33 yung con­firmed cases. Kaya naisipan din nila na para rin sa ating lahat iyon.”

Unang inisip ng PBA na gawing closed door ang mga laro. Ngunit ayon kay Marcial, halos 400 tao ang gagalaw sa nasabing mga laro kabilang ang mga players, table officials at media.

Kamakalawa ay nagdesisyon din ang PBA na suspindihin ang ensayo ng mga koponan para makaiwas sa banta ng COVID-19.

vuukle comment

DOH

PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with