Romeo gagawaran ng Mr. Quality Minutes award
MANILA, Philippines — Mula sa pagiging three-time scoring champion ay tinanggap ni Terrence Romeo ang papel bilang back-up guard ng San Miguel.
At sa tuwing gagamitin siya ni head coach Leo Austria ay malaki ang nagiging kontribusyon ni Romeo para sa panalo ng mga Beermen.
Kaya naman hinirang si Romeo bilang Mr. Quality Minutes sa 2019 PBA Press Corps Awards Night sa Marso 16 sa Novotel Manila sa Araneta City.
Nauna nang naging kamador si Romeo’ para sa NorthPort at TNT Katropa bago lumipat sa San Miguel na natulungan niyang maihatid sa mga korona ng 2019 Philippine Cup at Commissioner’s Cup.
Hinirang si Romeo bilang Finals MVP ng mid-season conference.
Pamumunuan naman ni CJ Perez ng Columbian Dyip ang All-Rookie team kasama sina Robert Bolick ng NorthPort, Javee Mocon ng Rain or Shine, Bobby Ray Parks, Jr. ng TNT Katropa at Abu Tratter ng Alaska.
- Latest