^

PSN Palaro

Ateneo, NU nanggulat agad

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Ateneo, NU nanggulat agad
Nakakuha ng malakas na puwersa ang Lady Eagles kina Season 81 Best Opposite Hitter Kat Tolentino at super rookie Faith Nisperos na gumawa ng malalaking puntos para bitbitin ang kanilang tropa sa panalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matayog agad ang lipad ng nagdedepensang Ateneo de Manila University nang dagitin nito ang matikas na 25-13, 25-17, 25-23 panalo kontra University of the Philippines kahapon sa UAAP Season 82 women’s volleyball tournament sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nakakuha ng malakas na puwersa ang Lady Eagles kina Season 81 Best Opposite Hitter Kat Tolentino at super rookie Faith Nisperos na gumawa ng malalaking puntos para bitbitin ang kanilang tropa sa panalo.

Nagtala si Tolentino ng 12 attacks at tatlong blocks habang tumipa naman si Nisperos ng 10 markers sa kanyang debut game.

Hindi rin naging problema ang pagkawala nina Bea de Leon at Maddie Madayag dahil sumaklolo sina Ponggay Gaston at Jules Samonte na siyang pumalit bilang middle blockers – mula sa kanilang dating posisyon na wing spikers.

Nakalikom sina Gaston at Samonte ng pinagsamang 16 hits.

Gumawa naman si Jaja Maraguinot ng 11 excellent sets para patuna­yang karapat-dapat ito sa nabakanteng puwesto ni Ateneo ace playmaker Deanna Wong na hindi makapaglalaro sa season na ito dahil sa injury.

Naging pasakit naman sa hanay ng UP ang kaliwa’t kanang errors nito kabilang na ang service error na nagbigay ng game-winning point sa Ateneo sa huling sandali ng laro.

Sa unang laro, ginulantang ng National University ang Season 81 runner-up University of Santo Tomas sa pamamagitan ng pukpukang 22-25, 25-23, 20-25, 25-20, 15-13, upang sumalo sa maagang lide­rato hawak ang 1-0 marka.

Nagparamdam agad si rookie Margot Mutshima nang humataw ito ng 23 puntos mula sa 20 attacks at tatlong aces habang nagdagdag si middle blocker Ivy Lacsina ng 19 hits gayundin si team captain Risa Sato ng 17 markers.

vuukle comment

ATENEO

LADY SPIKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with