^

PSN Palaro

Hugot pa more!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Ano ba itong ligang labas?

Ito yung mga basketball game o tournament na madalas eh ginagawa sa probinsya at minsan eh sa abroad na walang approval ng PBA.

At para mas entertaining, humuhugot sila ng mga sikat na players para maglaro. Minsan one game lang. Minsan a few games.

Minsan, nagkakapustahan din dito. At dahil open tournament, bahala ka kung sino ang kaya mong hugutin.

Kaya yung iba, kung may financier na mayor or public official or bigtime na negosyante, nakakahugot ng PBA players.

Kumikita ang players. Baka may goodtime pa.

Bawal ito sa PBA at may malinaw na rule ang teams sa mga players nila na kapag na-injure ka sa ligang labas, bahala ka sa buhay mo.

May suspension pa at eto na nga ang PBA na magpapataw na rin mula ngayon ng minimum fine ng P50,000 sa mga lalabag.

Lately, na-injure si Ping Exciminiano sa isang ligang labas. Malubha ang injury. Ang masama nito, papirma na sana siya ng kontrata sa Rain or Shine. Purnada ang kontrata.

Nabisto rin lately si Vic Manuel ng Alaska at Jio Jalalon ng Magnolia na naglaro sa ligang labas. Umamin sila. Pero hindi na raw mauulit.

Napasubo raw sa kaibigan si Manuel. Hindi makatanggi.

Ang tip ko lang sa mga kaibigan ng mga players, ‘wag n’yo na silang imbitahin maglaro dahil bawal nga ito.

At kung may masamang mangyari, kaya n’yo ba paswelduhin ang mga ito?

Baka kamot ulo lang kayo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with