Jackson, Morris inangat ang Clippers vs Suns
PHOENIX - Nagsalpak si Reggie Jackson ng isang three-pointer sa kaagahan ng fourth quarter para ibigay sa Los Angeles Clippers ang double-digit lead.
Isa pang triple ang ipinasok ni teammate Marcus Morris sa huling 45 segundo para akayin ang Clippers sa 102-92 paggupo sa Suns.
Binanderahan ni Kawhi Leonard ang Clippers mula sa kanyang 24 points at 14 rebounds at tumapos si Morris na may 18 markers.
Nagdagdag si Jackson ng 12 points para sa ikalawang sunod na panalo ng Los Angeles matapos mahulog sa three-game losing skid.
Sa San Antonio, nagposte si Luka Doncic ng 26 points, 14 assists at 10 rebounds habang kumolekta si Kristaps Porzingis ng 28 points at 12 rebounds para ihatid ang Dallas sa 109-103 paggiba sa Spurs.
Ito ang ika-13 triple-double ni Doncic ngayong season at pang-21 sa kanyang career para pantayan si Jason Kidd sa franchise record sa Dallas.
Binanderahan ni DeMar DeRozan ang San Antonio mula sa kanyang 27 points, 9 assists at 8 rebounds.
Sa Salt Lake City, humataw si Jayson Tatum ng 33 points at 11 rebounds sa 114-103 panalo ng Boston Celtics kontra sa Utah Jazz.
Nag-ambag si Jaylen Brown ng 20 points at may 17 markers si Marcus Smart para sa Boston.
Pinangunahan ni Donovan Mitchell ang Utah sa kanyang 37 points at may 15 at 14 markers sina Mike Conley at Royce O’ Neale, ayon sa pagkakasunod.
- Latest