^

PSN Palaro

Orcollo No. 1 sa money maker list

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa loob ng dalawang buwan, nagkamal na agad si dating world champion Dennis Orcollo ng tumataginting na $53,750 cash prize para maagang upuan ang unang puwesto sa 2020 Az Billiards Money Maker world ranking.

Nasikwat ni Orcollo ang pinakamalaking bahagi ng kanyang paremyo sa 2020 Derby City Classic kung saan ibinulsa nito ang Master of the Table crown para angkinin ang $20,000 sa Elizabeth, Indiana.

Umani pa ang Surigao del Sur pride ng karagdagang $16,000 sa kanyang kampeonato sa 2020 Derby City Classic 9-Ball Banks Division habang may tig-$4,000 itong nahablot nang mamayagpag ito sa 2020 Midnight Madness sa Madison, Tennessee at 2020 Annual Texas 10-Ball Open sa Round Rock, Texas.

Dalawang buwan pa lamang ang nakalilipas ngunit nalampasan na ni Orcollo ang kanyang kabuuang $35,520 na kinita sa buong season ng 2019.

Limang Pilipino ang kasalukuyang nasa Top 10 ng world ranking.

Nasa ikatlo si Lee Vann Corteza na may $26,000 habang ikapito si James Aranas ($10,790), ikasiyam si Francisco Bustamante ($9,440) at ika-10 si Filipino-Canadian Alex Pagulayan ($9,440).

vuukle comment

DENNIS ORCOLLO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with