^

PSN Palaro

SMB-Alab ‘di uli pinaporma ang Saigon Heat

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi naging problema ng San Miguel-Alab Pilipinas ang hindi pagdating ni Justin Brownlee para muling pataubin ang Saigon Heat, 99-79, sa pagpapatuloy ng 10th Asean Basketball League elimination round sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Pinangunahan ni 7’5 Maltese import Sam Deguara ang 31-point run ng Alab Pilipinas sa ikatlong yugto tungo sa pagtala sa kanilang ika-sampung panalo sa 16 laro at manatili sa ikalawang puwesto sa likuran ng solo leader Thailand Mono Vampire (12-4).

Tumapos si Deguara ng 23 puntos, walong rebounds at isang assist habang tumulong din ng 20 puntos na may kasamang 15 rebounds, pitong assists at dalawang steals ang Amerikanong import na si Nick King para sundan ang kanilang 82-75 panalo sa unang pagtatagpo noong Pebrero 9 sa parehong venue.

Samantala, umaasa naman si coach Jimmy Alapag na magpakita na ang Ginebra resident import na si Brownlee na hindi pa rin nakarating mula sa Los Angeles, USA.

“We’re very fortunate to get a great effort from the guys and to get the win. But to play with only eight healthy players and only two World Imports, it’s not ideal in the ABL especially as we get ready for the top teams,” pahayag ni Alapag.

Malaki ang problema ni Alapag dahil sa injury nina Jeremiah Gray at Andrei Caracut habang tinapos na rin ang kontrata ng Amerikanong si Prince Williams kaya kulang ng tao ang kanyang koponan.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with