^

PSN Palaro

Rockets tuloy sa pagpapalakas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagpatuloy ang pagpapalakas ng Houston Rockets makaraan ang All-Star break kung saan haharapin nila ang Golden State Warriors sa San Francisco.

Mula ng talunin nila ang Boston Celtics, 116-105, noong Pebrero 11, kinuha nila ang forwards na sina Jeff Green at DeMarre Carroll, na kapwa pinakawalan ng kanilang Western Conference playoff contender teams.

Binigyan si Green ng 10-day contract noong nakaraang Miyerkules na magsisilbi na rin bilang four-game tryout upang tingnan kung paano siya magkasya sa sistema ng Rockets.

Nagsimula ng mag-ensayo si Green sa Rockets noong Miyerkules sa San Francisco.

Binitiwan si Green ng Utah Jazz noong Disyembre kung saan nag-average siya ng 7.8 puntos sa kabuuang 30 na laro.

Si Carroll naman ay tinanggal ng San Antonio Spurs nitong linggo matapos sang-ayunan ang contract buyout.

Sa loob ng 15 laro, nag-averaged si Carroll ng 2.2-points. Kailangan pa umanong linawin ni Caroll ang waiver bago pumirma ng bagong kontrata na inaasahan ngayong Huwebes.

Sinabi ni Rockets coach Mike D’Antoni na kailangan pa ng adjustment sa kanyang koponan sa panibagong line-up. Ang Rockets sa ngayon ay pang-lima sa best record ng Western Conference sa 34-20 win-loss kartada.

Bago ang All-Star break, naipanalo ng Rockets ang lima sa pitong laro para itarak ang 1 1/2 advantage laban sa Oklahoma City Thunder at Dallas Mavericks.

vuukle comment

HOUSTON ROCKETS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with