^

PSN Palaro

Cuban import ipaparada ng Cignal

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Cuban import ipaparada ng Cignal
Cuban import Jennifer Alvarez

MANILA, Philippines — Lalong lalakas ang signal ng Cignal HD Spikers sa pagpasok ng beteranong Cuban player sa lineup nito para sa 2020 Philippine Superliga Grand Prix na papalo sa Pebrero 29 sa The Arena sa San Juan City.

Nagdesisyon ang pamunuan ng Cignal na kunin si Jennifer Alvarez dahil sa malalim nitong karanasan.

Naging bahagi ang 26-anyos ng Cuban national team na naglaro sa 2010 FIVB Women’s World Championship sa Japan at 2014 FIVB World Championship sa Italy.

Nakapaglaro na rin si Alvarez sa commercial leagues sa Cuba kasama ang Cienfuegos noong 2014 at Romania sa ilalim ng CS Volei Alba-Blaj noong 2017 hanggang 2018.

Kilala ang mga Cuban bilang power-hitting players.

Una nang nasilayan sa aksiyon si Gyselle Silva - ang guest player ng Smart Giga Hitters na gumawa ng scoring record na 56 points sa PSL noong 2018 habang tinulungan naman ni Wilma Salas ang PetroGazz sa pagkopo ng Premier Volleyball League Reinforced Conference crown noong nakaraang taon.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro sa Pilipinas si Alvarez na makatutulong ng husto sa HD Spikers na nawalan ng ilang key pla­yers gaya ni opposite spiker Mylene Paat.

Si Alvarez ang magi­ging kahalili ni American outside hitter Yaasmeen Bedart-Ghani na nagpas­yang lumiban sa edisyong ito dahil sa coronavirus outbreak.

Inaasahang mabilis na makakaagapay si Alvarez sa sistema ng laro sa Pilipinas.

Mapapalaban si Alvarez kontra sa matitikas na imports sa kumperensiyang ito gaya nina Kath Bell ng reigning champion Petron at Lindsay Stalzer ng F2 Logistics.

vuukle comment

CUBA

JENNIFER ALVAREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with