^

PSN Palaro

Makati, Manila puro na sa semis

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines-- Kapwa lumapit ang No. 2 seed Manila at No. 3 seed Makati sa isang hakbang patungo sa semifinals nang magwagi sa magkahiwalay na laban sa pagpapatuloy ng N­orthern Division Quarterfinal round ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go  Lakan Cup sa San Andres Sports Arena.

Pinataob ng Manila Stars ang No. 7 seed Pasig-Sta. Lucia Realtors, 91-88 habang inilampaso naman ng Makati Super Crunch ang No. 6 seed Bulacan Kuyas, 94-88, para hawakan ang 1-0 lead sa  kani-kanilang  best-of-three series.

Humataw si Carlo Lastimosa ng mataas na 71 porsyentong shoo­ting sa 10-of-14 sa field goal upang pangunahan ang panalo ng Stars sa kanyang 23 puntos, isang rebound at dalawang assists habang si Gabby Espinas ay tumulong ng 11 puntos, apat na rebounds at dalawang assists.

Hindi naman naging magaan ang panalo ng Super Crunch dahil naiwanan pa sila ng anim na puntos sa kalagitnaan ng fourth quarter bago umarangkada si Juneric Baloria ng pito sa huling 14 puntos ng  Makati para masungkit ang malaking panalo.

Umani si Baloria ng 20 puntos, tatlong rebounds at dalawang assists at tig-17 puntos naman sina Joseph Sedurifa at Cedric Ablaza.

vuukle comment

ASIG-STA. LUCIA REALTORS

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with