^

PSN Palaro

Lady Altas dumikit na sa Final 4

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Altas dumikit na sa Final 4
Hinatawan ni Jonah Rosal ng Perpetual Lady Altas ang de­pensa nina Jade Castllo (3), Dominique Cancio (11) at Ca­therine Almazan ng EAC Lady Generals sa aksyong ito.

MANILA, Philippines — Mabilis na nakabangon ang University of Perpetual Help System Dalta mula sa maba­gal na simula pa­ra pigilan ang Emilio Agui­naldo College, 20-25, 25-17, 25-21, 25-17, at ma­kapasok sa Final Four ng NCAA Season 95 women’s volleyball tournament kaha­pon sa The Arena sa San Juan City.

Umangat ang Lady Al­tas sa solong ikatlong puwesto tangan ang 6-2 re­kord, habang awtomatiko ring umusad sa semis ang nagdedepensang Arellano University na nagtataglay ng 6-1 marka.

Una nang umabante ang wala pang talong College of Saint Benilde (7-0).

Sa kabila ng panalo, hindi kuntento si Perpetual head coach Macky Cariño sa inilalaro ng kanyang ba­taan.

“Mabagal talaga ang start, medyo relax kasi ga­ling doon sa pangit na per­formance against San Beda. So sinabi ko lang na i-challenge natin ang sa­rili natin na makuha ulit ‘yung panalo, yung winning ways,” ani Carino.

Bida si Jhona Rosal na umukit ng 15 attacks at dalawang aces, habang nagdagdag si Dana Persa ng 11 points, 12 digs at anim na receptions.

Naglista naman si vete­ran outside hitter Bianca Tripoli ng 11 hits, samantalang nag-ambag si Jenny Gaviola ng 10 points at 14 excellent sets.  

Bumandera para sa La­dy Generals sina Cathrine Almazan at Krizzia Re­yes na nagrehistro ng tig-16 puntos.

Sa ikalawang laro, pi­nataob ng Jose Rizal Uni­versity ang Colegio de San Juan de Letran, 25-17, 18-25, 25-21, 25-13, upang ma­garbong tapusin ang kampanya nito taglay ang 4-5 marka.

Nanganganib na masibak ang Lady Knights na nahulog sa 3-4 karta.

Kung mananalo ang San Beda (5-2) sa Mapua University (1-6) ngayong alas-2 ng hapon ay pormal nang makukumpleto ang Final Four cast.

Sa men’s division, di­nungisan ng two-time de­fending champion Perpe­tual Help ang EAC, 25-23, 29-27, 28-26.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with