^

PSN Palaro

Wilson at Asistio magkakasukatan sa Three-Point Shootout

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magtatagisan ng husay sina dating Barangay Ginebra player John Wilson at dating Ateneo Blue Eagles standout Anton Asistio sa three-point shootout ng 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup All-Stars Game sa Pebrero 13 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Bukod kay Wison ng San Juan Knights at Asistio ng Bataan Risers ay kasama rin sina James Martinez ng Nueva Ecija, Robin Roño ng Zamboanga na kapwa umiskor ng tig-23 points sa isinagawang qualifying noong Ene­ro 28 sa Cuneta Astrodome.

Inaasahan ding magpapasiklab sina Lester Alvarez ng Bulacan, Jordan Rios ng Rizal, Rocky Acidre ng Ba­coor, Jerome Garcia ng Bicol, Rhaffy Octobre ng Ce­bu, Mark Pangilinan ng Bacoor at Mikee Cabahug ng Navotas.

Matapos ang qualifying round, lahat ng qualifiers ay makakatanggap ng P10,000 bawat isa at ang champion sa three-point competition ay mag-uuwi ng P50,000.

Paborito naman sa slam dunk competition sina Da­vid Carlos ng Makati, Nick Demusis ng Bacoor, Gian Ab­rigo ng Manila, RJ Ramirez ng Bacoor, Renato Ular ng Marikina at James Forrester ng Davao Occidental.

Ang mga tagasubaybay na manonood sa 2020 MPBL All-Stars ay may tsansang mag-uwi ng brand-new pickup at limang motorcycles na ipapa-raffle ni MPBL founder at chief executive Sen. Manny Pacquiao.

Limang manlalaro mula sa Northern Division at lima rin sa Southern Division ang pipiliin sa pamamagitan ng online poll, habang ang ibang mga manlalaro sa North kontra sa South ay huhugutin ng dalawang coaches na galing sa No. 1 team sa dalawang divisions pagkatapos ng elimination round.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with