^

PSN Palaro

SMB-Alab lusot sa Slingers sa OT

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natakasan ng San Mi­guel-Alab Pilipinas ang Singa­pore Slingers sa overtime, 86-77, sa 2019-2020 Asean Basketball League (ABL) sa Sta. Rosa Multi-Purpose Sports Complex sa Sta. Rosa, Laguna.

Nalimitahan ng Pinoy team ang mga Singapo­reans sa anim na puntos sa extension kung saan umiskor ng pinagsamang 15 points sina Nick King, Ja­son Brickman, Sam Deguara at Prince Williams para sa ka­­nilang ika-wa­long panalo sa 12 laro.

Tumipa si Brickman ng limang puntos kabilang ang triple sa huling 11.3 se­gundo para itaas ang Alab Pilipinas sa ikalawang pu­westo sa likuran ng Thailand Mono Vampire (9-4).

Tumapos ang Fil-Am guard na si Brickman na may 16 points, 4 re­bounds, 5 assists at 2 steals.

Umiskor naman si King ng 20 points, habang may 10 markers si Fil-Am Jere­miah Gray para sa tropa ni coach Jimmy Alapag.

Nakatakdang labanan ng SMB-Alab ang Kuala Lumpur Dragons ngayong alas-8 ng gabi sa MABA Sta­dium.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with