Kuyas, Royals tumibay sa playoffs
MANILA, Philippines — Nanatiling buhay ang pag-asa ng Bulacan Kuyas na makapasok sa top four matapos pataubin ang Quezon City Capitals, 78-70, sa 2019-2020 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)-Chooks-to-Go Lakan Cup sa Malolos Sports & Convention Center sa Bulacan.
Umiskor si Gwyne Capacio ng siyam sa kanyang 17 points sa fourth quarter para manatili sa ikaanim na puwesto ang Kuyas sa kanilang 19-10 kartada.
Kalahating laro ang agwat nilla sa Bataan Risers at Pampanga Giant Lanterns na magkasosyo sa pang-apat na upuan sa parehong 19-9 marka sa Northern Division.
Ang Capitals, talsik na sa playoff round sa 10-19 baraha, ay nakahugot kay Clark Derige ng 13 points.
Hindi rin nagpahuli ang Iloilo United Royals matapos ilampaso ang Sarangani Marlins, 96-86, para higpitan nang husto ang hawak sa ikaapat na puwesto sa bitbit na 18-11 record sa Southern Division.
Humakot ng 24 points, 4 rebounds at 2 steals si Richard Escoto at may 18 markers si Donald Gumaro para sa 18-10 kartada ng Royals.
Sinorpresa naman ng Rizal Xentro Mall ang Bicol-LCC Malls, 79-77, para ilagay sa panganib ang pagpasok ng Volcanoes sa playoffs.
- Latest