^

PSN Palaro

Lillard inihatid ang Blazers sa panalo laban sa Rockets

Pilipino Star Ngayon
Lillard inihatid ang Blazers sa panalo laban sa Rockets

PORTLAND -- Natawa si Damian Lillard nang ta­nu­ngin tungkol sa kauna-unahan niyang triple-double matapos ang walong taon.

“It’s about time, it took eight years,” wika ni Lillard na kumolekta ng 36 points, 11 assists at 10 rebounds para tu­lungan ang Trail Blazers sa 125-112 pagpapabagsak sa bisitang Houston Rockets.

Ito ang ikaanim na sunod na laro na humataw si Lillard ng 30-plus points na isa nang franchise record.

Diniskaril din ng Portland ang pagbabalik ni James Harden sa Houston matapos ang two-game absence.

Nag-ambag si CJ McCollum ng 22 points at dinupli­ka ni Trevor Ariza ang kanyang season-high na 21 markers.

Pinamunuan ni Russell Westbrook ang Rockets mula sa kanyang tinapos na 39 points at 10 rebounds, habang may 18 mar­kers si Harden.

Sa San Antonio, humataw si DeMar DeRozan ng sea­son-high na 38 points para sa 127-120 panalo ng Spurs kontra sa Utah Jazz.

Napigilan ng San Antonio ang kanilang tatlong sunod na kamalasan.

Sa New York, umiskor si Spencer Dinwiddie ng 28 points at may 20 markers si Kyrie Irving para tulungan ang Brooklyn Nets sa 125-115 pagdaig sa bisitang Detroit Pistons.

Sa Sacramento, naglista si Luguentz Dort ng mga season-highs na 23 points at limang 3-pointers para banderahan ang 120-100 paggupo ng Oklahoma City Thunder laban sa Kings.

Sa New York, kumamada si Dillon Brooks ng 27 points, habang naglista si Ja Morant ng 18 points at 10 assists para sa 127-106 pagrapido ng Memphis Grizzlies kontra sa Knicks.

Sa Indianapolis, pinatumba ng Indiana Pacers ang Chicago Bulls, 115-106.

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with