^

PSN Palaro

Diaz abot-kamay na ang Olympic slot

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Diaz abot-kamay na ang Olympic slot
Hidilyn Diaz
Joey Mendoza

3 ginto binuhat sa World Cup

MANILA, Philippines — Muling nagningning si Hidilyn Diaz nang humakot ito ng tatlong gintong medalya sa prestihiyosong 2020 Roma Weightlifting World Cup na ginanap sa Palapellicone sa Rome, Italy.

Pinagreynahan ni Diaz ang women’s 55-kg. division kung saan nagtala ito sa snatch ng 93 kgs. at clean and jerk ng 119 kgs. para sa kabuuang 212 kgs. upang walisin ang lahat ng tatlong gintong medalya.

Iginupo ni Diaz sina Kamila Konotop ng Ukraine na nagkasya sa pilak (196 kgs.) at Nouha Landoulsi ng Tunisia na pumangatlo naman buhat ang 194 kgs.

Mas lalong lumakas ang tsansa ni Diaz na makasiguro ng puwesto sa Tokyo Olympics.

Ibubuhos naman ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng suporta kay Diaz upang masiguro na makapasok ito sa Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.

“We are supporting her in her efforts to qualify for the Olympics. She is one of those athletes on whom we are anchoring our dreams for Olympic gold. Congratulations Hidilyn,” ani PSC chairman William Ramirez.

Dahil sa kanyang ta­gumpay sa World Cup, nasa No. 4 spot na si Diaz sa world ranking.

Tanging walong atleta lamang sa bawat dibisyon ang masisilayan sa aksiyon sa 2020 Olympics.

“We are very proud of her. We expected no less because we see her trai­ning and we know she can,” dagdag ni Ramirez.

Isang qualifying event na lamang ang lalahukan ni Diaz para maipormalisa ang kanyang pag-entra sa Tokyo Olympics.

Lalahok si Diaz sa 2020 IWF Asian Championships na idaraos sa Kazakhstan sa Abril 16 hanggang 25.

Target ni Diaz na masundan ang matikas na ratsada nito sa multispor­ting event.

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with