^

PSN Palaro

Middleton inakay ang Bucks vs Wizards

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE - ZHumataw si Khris Middleton ng career-high 51 points para saluhin ang trabaho ni injured teammate G­iannis Antetokounmpo at banderahan ang Bucks sa 151-131 paggupo sa Washington Wizards.

Tinulungan ni Middleton, gustong mapili sa All-Star reserve sa ikalawang sunod na pagkakataon, ang Milwaukee na mau­ngusan ang pagbangon ng Washington sa second half.

Nagtala rin si Middleton ng 10 rebounds at 6 assists at nagsalpak ng 7-of-10 shooting sa three-point line.

Iniskor din ng Milwaukee (41-6) ang franchise-record 88 points sa first half para sa kanilang pang-siyam na sunod na panalo sa kabila ng hindi paglalaro ni Antetokounmpo, may right shoulder injury.

Pinamunuan ni Bradley Beal ang Wizards (15-31) sa kanyang 47 points.

Sa Memphis, dumiretso ang Grizzlies sa kanilang ikatlong sunod na ratsada matapos talunin ang Denver Nuggets, 104-96.

Tumipa si Dillon Brooks ng 24 points habang nagposte si Jonas Valanciunas ng 23 points at 12 rebounds para sa Memphis.

Nag-ambag si Ja Morant ng 14 points, ang 10 dito ay ibinuhos niya sa fourth quarter para sa Grizz­lies.

Binanderahan ni Nikola Jokic ang Nuggets mula sa kanyang 25 points at 13 rebounds para sa kanyang ika-22 double-double sa 28 games.

Sa Miami, nagposte si Gordon Hayward ng 29 points at may 25 mar­kers si Jaylen Brown para pamunuan ang 109-101 pagdaig ng Boston Celtics kontra sa Heat.

Pinangunahan ni Goran Dragic ang Miami mula sa kanyang 23 points kasunod ang 20 markers ni Jimmy Butler.

vuukle comment

G­IANNIS ANTETOKOUNMPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with