^

PSN Palaro

Malacañang, Pacquiao nagluksa sa pagkamatay ni NBA legend Kobe Bryant

James Relativo - Philstar.com
Malacañang, Pacquiao nagluksa sa pagkamatay ni NBA legend Kobe Bryant
Bumagsak ang sinasakyang helicopter ni Bryant sa Los Angeles, Estados Unidos, kasama ang walong iba pa. Walang nabuhay sa mga nakasakay.
Mula sa Twitter ni Manny Pacquiao

MANILA, Philippines — Nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang Palasyo at iba't ibang personalidad sa pagyao ng NBA player at basketball legend na si Kobe Bryant, Linggo (Lunes sa Maynila).

Bumagsak ang sinasakyang helicopter ni Bryant sa Los Angeles, Estados Unidos, kasama ang walong iba pa. Walang nabuhay sa mga nakasakay.

Kasama ni Bryant ang 13-anyos niyang anak na si Gianna Maria, na kumpirmadong patay din.

"Nalulungkot ang Tanggapan ng Pangulo sa malungkot na balita ng pagkamatay NBA superstar at legend na si Kobe Bryant at kanyang anak na babae sa isang helicopter crash," sabi ni presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang pahayag sa Inggles.

Aniya, madalas daw pumunta ang manlalaro sa Pilipinas at mahal na mahal ng kanyang Filipino fans.

Pitong beses na nakabisita ng Pilipinas ang 41-anyos na manlalaro.

"Isa siyang maestro sa kanyang kasanayan. Nawala ang isa sa mga maalamat na manlalaro ng mundo ng basketball," dagdag niya pa.

"Ipinaaabot ng Palasyo ang pakikiramay sa kanyang pamilya, mga kaibigan, katrabaho, mahal sa buhay at mga tagahangang naulila sa buong mundo. Nakikisama kami sa inyong kawalan."

Samantala, ikinalungkot din ng kapwa atleta at boksingerong si Sen. Manny Pacquiao ang pagkawala ni Kobe, na itinuturing niyang matalik na kaibigan.

Dagdag pa niya, dati nang binisita ni Bryant ang "pambansang kamao" mag-ensayo noon.

"Nabigla ako. Nagulat ako sa balita. Ang bilis ng pangyayari," wika ni Pacquiao.

"Kaibigan ko siya."

Nagpaabot din ng kanilang pakikisimpatya sa kanyang pagkawala sina Sen. Imee Marcos, Sen. Risa Hontiveros at Sen. Sonny Angara.

Ilang showbiz personalities rin ang hindi na naiwasang maantig ng nangyari, kahit na ilan sa kanila ay hindi naman fans ng basketball.

"Sa totoo, wala akong alam sa basketball pero nalulungkot ako sa pagkamatay ni Kobe Bryant at ng kanyang anak," sabi ni Kapuso star Maine Mendoza.

"Ipagdarasal namin ang kanyang pamiluya, lalo na ang kanyang misis, kasama na ang iba pang pamilya na naulila ng trahedyang ito. Ang iski ng buhay... hindi natin alam ang susunod na mangyayari."

vuukle comment

DEATH

KOBE BRYANT

SALVADOR PANELO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with