^

PSN Palaro

Cone sa Gin Kings: Relaks muna tayo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cone sa Gin Kings: Relaks muna tayo
Tim Cone
PBA images

MANILA, Philippines — Halos ayaw magbakasyon ng mga Gin Kings para paghandaan ang darating na 2020 PBA Philippine Cup.

Kaya naman pinayuhan ni head coach Tim Cone ang kanyang Barangay Ginebra na pansamantalang magrelaks at huwag munang isipin ang pagsabak sa nasabing torneo na magsisimula sa Marso 1.

“Our guys are really excited to come back and go after the all-Filipino,” sabi ng two-time PBA Grand Slam champion mentor. “It’s just that kind of reaction that I’ve seen. Usually, you don’t have that.”

Nagmula ang Gin Kings sa pagkopo sa korona ng nakaraang 2019 PBA Governor’s Cup kung saan nila pinaluhod ang karibal na Meralco Bolts, 4-1, sa kanilang best-of-seven championship series.

Ito ang ikatlong pagkakataon na pinagharian ng Ginebra ang season-ending conference sa nakalipas na apat na taon.

Ang titulo naman sa 2020 PBA Philippine Cup ang hangad makamit ng Gin Kings para sa kanilang back-to-back championship.

Ngunit tiyak na hindi sila pagbibigyan ng San Miguel, target ang kanilang PBA record na ikaanim na sunod na pagdomina sa All-Filipino tournament.

Inaasahan ni Cone na mapapapirma ng Ginebra sina rookies Jerrick Ba­lanza ng Letran Knights at Arvin Tolentino ng FEU Tamaraws para madagdagan ang kanilang puwersa.

 

vuukle comment

TIM CONE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with