Reyes PSA Lifetime Achievement awardee
MANILA, Philippines — Nananatili si Efren ‘Bata’ Reyes bilang isa sa mga bituin sa Philippine sports sa kabila ng pagiging 65-anyos na kanyang ipinamalas sa nakaraang 30th Southeast Asian Games.
Pinagkakaguluhan ang iconic pool player ng mga fans bilang miyembro ng men’s billiards and snooker team dahil sa kanyang taglay na karisma.
Bagama’t may kaunting panlalabo ng mata, nakatumbok pa rin si Reyes ng bronze medal sa men’s carom (1 cushion) para idagdag sa 11 medalya ng koponan sa biennial meet.
Dahil sa kanyang husay at katanyagan ay igagawad kay ‘The Magician’ ang Lifetime Achievement award ng Philippine Sportswriters Association (PSA) sa traditional SMC-PSA Awards Nights sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.
Si Reyes ay ang three-time winner ng PSA Athlete of the Year plum noong 1999, 2001 at 2006.
Magsisilbi ring special guest speaker ang tubong Mexico, Pampanga sa gala night.
Si Reyes ang ikalawang sunod na atletang magiging guest speaker sa event na inihahandog ng Philippine Sports Commission (PSC), MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association (PBA) at Rain or Shine matapos si Olympian Bea Lucero noong nakaraang taon.
- Latest