^

PSN Palaro

SMB-Alab reresbak sa Hong Kong

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hangad  ng San Mi­guel-Alab Pilipinas na buma­ngon mula sa nakaraang talo sa kanilang engkuwentro ng Hong Kong Eastern ngayon sa pagpapatuloy ng Season 10 Asean Basketball League (ABL) sa Southorn Stadium sa Hong Kong.

Tangan ang 5-3 win-loss kartada, haharapin ng Alab Pilipinas ni head coach Jimmy Alapag ang Hong Kong Eastern sa alas-8 ng gabi.

Nahulog sa ikatlong puwesto ang tropa ni Alapag matapos yumuko sa mga kamay ng Singapore Sli­ngers, 64-85, noong Enero 12 sa teritoryo ng kalaban.

Ang Hong Kong naman ay umangat sa ika-limang puwesto sa 3-4 slate pagkaraan ng kanilang two-game winning streak, ang una ay sa Taipei Fubon Braves, 105-78, noong Enero 18 at sinundan ng 84-75 panalo sa Saigon Heat noong Martes.

Pinaalalahanan ni coach Alapag ang kanyang mga manlalaro na huwag magkampante dahil galing ang Hong Kong sa dalawang kumbinsidong panalo kaya inaasahan ang magandang pagtatagpo ng dalawang koponan.

Ang 19-point na talo ng Alab Pilipinas sa Singapore ang kanilang ikalawang double-digit na talo matapos ang 35 puntos (76-111) kabiguan sa Mono Vampire noong Nobyembre 17, 2019.

vuukle comment

ABL

JIMMY ALAPAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with