^

PSN Palaro

San Miguel pipiliting maidepensa ang titulo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahirap na ngang makuha ang pang-limang sunod na korona ng PBA Philippine Cup, lalo na ang pang-anim.

Ito ang pilit na pupuntiryahin ng San Miguel sa kanilang pagtatanggol ng korona sa darating na 2020 PBA Philippine Cup na nakatakdang simulan sa Marso 1.

Muling sasandigan ng Beermen sina five-time PBA MVP June Mar Fajardo, one-time PBA MVP Arwind Santos, Terrence Romeo, Alex Cabagnot, Chris Ross at Marcio Lassiter.

“I hope ma-realize din namin kung ano ang importance nito para sa amin,” wika ni San Miguel head coach Leo Austria. “Five-peat mahirap nang mapantayan iyan, lalung-lalo na ‘yung six-peat.”

Nabigo ang Beermen sa kanilang hangad na ikalawang PBA Grand Slam matapos sibakin ng Ginebra Gin Kings sa kanilang quarterfinals match ng nakaraang 2019 PBA Governor’s Cup.

Inangkin ng Ginebra ang kanilang ikatlong titulo sa huling apat na taon ng nasabing season-ending conference matapos mu­ling talunin ang Meralco Bolts sa ‘trilogy’ nila.

Matapos ito ay sinabi ni Ginebra mentor Tim Cone na target naman nila ang kampeonato ng 2020 PBA Philippine Cup.

“During their cham­pionship run nakita namin ang potential ng team nila and, personally, I think capable naman sila,” sabi ni Austria sa tropa ni Cone. “Maganda ang inilaro nila, pero siyempre iba ‘yung aambisyunin nila.”

Samantala, pinapirma naman ng NorthPort si No. 8 overall pick Sean Ma­nganti sa isang two-year contract isang araw matapos bigyan si second round selection Renzo Subido sa isang one-year deal.

Pinalagda rin ng kontrata ng Rain or Shine sina No. 7 pick Prince Rivero at second rounder Vince Tolentino sa two-year terms.  

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

ARWIND SANTOS

TERRENCE ROMEO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with