^

PSN Palaro

Blazers pinasabog ang Rockets

Pilipino Star Ngayon
Blazers pinasabog ang Rockets
Sinabayan sa ere nina Russell Westbrook at Ben McLemore ng Rockets si Damian Lillard ng Blazers sa aksyong ito sa NBA.

HOUSTON -- Umiskor si Damian Lillard ng 25 points at may 24 markers si CJ McCollum para ihatid ang Portland Trail Blazers sa 117-107 pagpapabagsak sa Rockets.

Nagtala ang Portland ng double figures bago nakalapit ang Houston sa five-point deficit mula sa pagbibida ni Ben McLemore sa huling limang minuto ng fourth period.

Nagsalpak naman sina McCollum at Carmelo Anthony ng magkasunod na three-pointers para ilayo ang Trail Blazers sa 111-100 sa huling apat na minuto ng laban.

Umiskor si center Hassan Whiteside ng apat na sunod na puntos kasama ang isang slam dunk para tuluyan nang iwanan ang Rockets sa 115-102.

Tumapos si Russell Westbrook na may triple-double sa kanyang 31 points, 12 assists at 11 rebounds para pamunuan ang Houston.

Nalimitahan naman si James Harden sa season-low 13 points para sa ikalawang dikit na kabiguan ng Rockets.

Sa Minneapolis, dinuplikahan ni Domantas Sabonis ang kanyang season high na 29 points at nagtala ng 13 rebounds at 6 assists para sa 104-99 panalo ng Indiana Pacers laban sa Minnesota Timberwolves.

Nagdagdag si Malcolm Brogdon ng 21 points at may 14 markers si Doug McDermott para sa ikatlong sunod na ratsada ng Pacers.

Sa Denver, nagtala si rookie reserve Michael Porter Jr. ng 19 points para tulungan ang Nuggets sa 100-86 pagwawagi sa Charlotte Hornets.

Hindi natapos ni Jamal Murray ang laro nang magkaroon ng left ankle injury sa huling 1:32 minuto sa second quarter.

Sinalo ni P.J. Dozier ang naiwang trabaho ni Murray at kumamada ng 12 points sa loob ng 13 minuto para sa Denver.

vuukle comment

DAMIAN LILLARD

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with