^

PSN Palaro

Bataan pinigil ang Bicol; Pasay lusot din sa Bacolod

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napigilan ng Bataan Risers ang huling hinga ng Bicol Volcanoes tungo sa 76-72 panalo para panatiliing buhay ang asam na tumapos sa top four sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa People’s Center sa Balanga, Bataan.

Dumikit pa ang expansion team Volcanoes, 72-74, sa huling 26 segundo ng laban, ngunit umiskor ng split sina Archie Iñigo at Ryan Batino mula sa free throw line upang itala ang ika-17 panalo sa 26 laro ng Bataan at mahigit kalaha­ting laro lamang ang agwat nito  mula sa fourth spot na Bulacan Kuyas na hawak ang 17-8 win-loss kartada sa Northern Division.

Kahit nakasiguro na ng pagpasok sa playoff round, asam pa rin ng Risers na makatapos sa top four ng Northern group upang makakuha ng homecourt advantage sa best-of-three quarterfinal playoff.

Tumapos si Batino ng double-double performance sa kanyang 18 puntos at 13 rebounds na may kasamang dalawang assists at isang steal para itala ang kanilang ikatlong sunod na panalo.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Pasay Voyagers kontra sa Bacolod Master’s Sardines, 61-50, para umangat sa 9th spot sa 14-12 kartada sa North group habang tinambakan naman ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang Quezon City Capitals, 92-74.

vuukle comment

LAKAN CUP

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with