Ginebra lalapit sa titulo
MANILA, Philippines — Bago labanan ang Meralco sa best-of-seven championship series ay may nerbiyos na naramdaman ang Barangay Ginebra.
Ito ay dahil sa pagkakadagdag sa Bolts nina 6-foot-8 center Raymond Almazan, shooter Allein Maliksi at rookie guard Bong Quinto.
Ngunit sa kanilang 92-84 panalo sa Game Three ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals noong Linggo ay lumakas ang loob ng Gin Kings.
“Malaking confidence boost sa amin iyon,” wika ni veteran point guard LA Tenorio. “Nagkaroon kami ng belief sa sarili na we can beat this team kasi going to this series we were really doubting how we can beat this team because they’re really good defensively.”
Pipilitin ng Ginebra na makalapit sa inaasam na ika-12 korona sa pagharap sa Meralco ngayong alas-7 ng gabi sa Game Four sa Smart Araneta Coliseum.
Matapos kunin ng Gin Kings ang Game One, 91-87, ay hinablot naman ng Bolts ang Game Two, 104-102.
Sa pag-angkin ng Ginebra sa 2-1 abante sa serye ay nagtala si resident import Justin Brownlee ng mga all-around numbers na 24 points, 9 rebounds at 9 assists.
Nagdagdag naman sina flying forward Japeth Aguilar at playmaker Stanley Pringle ng 23 at 21 markers, ayon sa pagkakasunod.
Dahil sa pagkakaroon ng left knee injury ni Almazan sa Game Three sa panig ng Bolts ay inaasahan itong sasamantalahin nina Aguilar at 7-foot-1 Greg Slaughter para sa Gin Kings.
“What he has done this conference is give us an opportunity to match up the big man of the other teams and without him, we almost had a hole in the middle,” wika ni Meralco mentor Norman Black kay Almazan. “We will just try to find a way to camouflage it or try to fix it.”
Samantala, bago ang giyera ay igagawad naman ng PBA ang Best Player of the Conference award.
Nangunguna sa karera si five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel
- Latest