^

PSN Palaro

SMB-Alab bigo sa Singapore

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalasap ng San Miguel-Alab Pilipinas ang ikatlong talo matapos yumuko sa Singapore Slingers, 64-85, sa pagpapatuloy ng Season 10 Asean Basketball League (ABL) sa OCBC Arena sa Singapore.

Ang 19-point na kabiguan  ang kanilang ikalawang double-digit na talo, ang pinakamalaki ay 35 puntos (76-111) sa mga kamay ng Mono Vampire sa unang araw ng 10th season noong Nobyembre 17, 2019.

Sa unang yugto pa la­mang, malamig na ang mga kamay ng Pilipino team kaya naiwanan agad sila, 17-22, tungo sa kanilang ikatlong talo sa walong laro.

Dahil sa talo bumaba ang tropa ni head coach Jimmy Alapag sa pang-apat na puwesto (5-3) sa likuran ng solo leader Mono Vampire Thailand (6-2), Kuala Lumpur Dragons (4-2) at Taipei Fubon Braves (4-8).

Tanging ang Maltese 7’5 import na si Sam Deguara lamang ang nagtala ng double-digits sa Alab Pilipinas sa kanyang 14 puntos, siyam na rebounds at isang block.

Nagposte naman ng tig-siyam na puntos sina Jeremiah Gray at Nick King.

Inaasahan ni Alapag na agad makabangon ang kanyang tropa sa susunod na laban kontra sa Hong Kong Eastern Lions sa Enero 23 sa Southorn Stadium ng Wanchai, Hong Kong.

vuukle comment

ASEAN BASKETBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with