^

PSN Palaro

Bulacan Kuyas nagpalakas sa No. 4

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pag-ak­yat ng Bulacan Kuyas sa standing matapos ilampaso ang Parañaque Patriots, 76-69, sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Alonte Sports Complex sa Biñan, Laguna.

Umani si JR Taganas ng 16 puntos at 11 rebounds upang makopo ang ika-apat na sunod na panalo at umangat sa ika-apat na puwesto sa 17-8 win-loss kartada sa likuran ng Makati Super Crunch (20-5), Manila Stars (21-5) at solo leader San Juan Knights na tangan ang 21-3 win-loss kartada sa Northern Division.

Bagama’t nakasiguro na ang Kuyas sa kanilang pagpasok sa susunod na round, patuloy pa ring aa­lagaan ng Bulacan ang kanilang top four standing para makamit ang homecourt advantage sa playoff round.

Magiging karibal ng Bulacan ang No. 5 Bataan Risers (16-9) at No. 6 Pampanga Giant Lanterns (16-9)  para sa No. 4 spot sa North group. 

Sa iba pang laro, nagwagi rin ang Navotas Clutch kontra sa Valen­zuela Classics, 88-83 habang tinambakan ng Biñan City ang  bisitang Sarangani Marlins, 92-74, upang masungkit ang ika-12 panalo sa 26 laro sa Southern Division.

Dahil sa panalo, umakyat din ang Biñan City sa 10th spot sa 12-14 slate at patuloy ang pakikipag-agawan sa No. 8 playoff spot kasama ang No. 9 Cebu Sharks (11-12) at No. 8 Bicol Volcanoes (13-12).

vuukle comment

JR TAGANAS

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with