^

PSN Palaro

Allegiant Stadium target binyagan ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang world-class stadium sa Las Vegas, Nevada ang nais binyagan ni reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao sa oras na magbukas ito sa Setyembre.

Ito ay ang Allegiant Stadium na tinatayang may sea­ting capacity na 65,000 hanggang 72,000.

Hangad ng eight-division world champion na magkaroon ng laban dito kontra kay undefeated American boxer Floyd Mayweather Jr.

Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, target ni Pacquiao na magkaroon ng “closure” ang Pacquiao-Mayweather fight na itinuturing na Fight of the Century.

“The real purpose is hopefully some closure with Floyd Mayweather,” ani Gibbons.

Bago ito, ipagtatanggol muna ni Pacquiao ang kanyang World Boxing Association (WBA) welterweight belt sa Abril ngunit wala pang pinal na desisyon kung sino ang kanyang makakalaban.

Matapos ang title defense, nais ng kampo ni Pacquiao na isentro na ang atensiyon sa pagkasa sa rematch laban kay Mayweather.

Buhay na buhay na ulit ang usapin sa Pacquiao-Mayweather 2 dahil nagpahayag na ng intensiyon ang American pug na bumalik sa ring sa Nobyembre 2020 base sa mga naglabasang ulat sa Amerika.

“We hope to fight in April, we’ve had a lot of offers in the Middle East, he’s a worldwide icon like a Michael Jordan or a David Beckham, but if not then somewhere back in the US. Then he would love to have Mayweather,” ani Gibbons.

Sakaling matuloy ang rematch, walang ibang magandang lugar kundi ang Allegiant Stadium na kayang-kaya punuin ng dalawang pinakamainit na boxers sa heneras­yong ito.

Lutang na lutang ang bagsik ni Pacquiao sa kanyang dalawang laban noong nakaraang taon.

Makailang ulit nitong napagbagsak sina Adrien Broner noong Enero at Keith Thurman noong Hulyo.

Kaya naman nagbalik din ang interes ng mga boxing fans kay Pacquiao.

Napamangha ng Pinoy champion ang buong mundo dahil kaya pa nitong makipagsabayan sa matitikas at mas batang boksingero sa kabila ng kanyang edad na 41-anyos.

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

SEAN GIBBONS

WBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with