^

PSN Palaro

Manila yanig sa Bataan

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinorpresa ng Bataan Risers ang paboritong Manila Stars, 77-76, upang manatili sa pang-limang puwesto sa pagpapatuloy ng Chooks-to-Go-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Angeles University Foundation  Gym sa Angeles City.

Umiskor si Chito Jaime ng lay-up sa huling 57 segundo para burahin ang 75-76 deficit at hindi pina-iskor ang Manila sa return play upang itakas ang ika-16 panalo sa 25 laro at makisosyo sa Pampanga Lanterns sa fifth spot sa parehong kartada sa N­orthern Division.

Tumapos si Jaime ng siyam na puntos, anim na rebounds at isang assist para ibaba ang Manila Stars sa 21-5 slate sa North group.

Tumulong din ng 13 puntos at isang rebound si John Bryron Villarias at 11 puntos, apat na rebounds at limang assists mula kay Joseph Nalos Jr. para sa Risers na bumawi sa kanilang 1-2 talo sa Manila sa semifinals ng nakaraang Datu Cup.

Sa iba pang laro, pinatumba ng Pampanga Lanterns ang Nueva Ecija, 81-75, upang makopo ang kanilang ika-16 panalo sa 25 laro habang nagwagi ang Batangas Athletics kontra sa Iloilo, 65-59 at itakas ang ika-14 panalo sa 24 laro.

vuukle comment

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with