^

PSN Palaro

Ravena, Tungcab swak sa Gilas cadet pool

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Ravena, Tungcab swak sa Gilas cadet pool
Sina Ravena at Tungcab ay isinama sa inisyal na mga manlalarong magsisimula nang mag-ensayo sa loob ng tatlong taon at higit pa.
UAAP

MANILA, Philippines — Idinagdag ng Gilas Pilipinas cadet team sina Thirdy Ravena ng Ateneo at Jaydee Tungcab ng UP para sa paghahanda sa 2023 FIBA World Cup.

Sina Ravena at Tungcab ay isinama sa inisyal na mga manlalarong magsisimula nang mag-ensayo sa loob ng tatlong taon at higit pa.

Mismong si Sama­hang Basketbol ng Pilipinas president Al Panlilio ang nagkumpirma sa pagkuha nila kina Ravena at Tungcab isang buwan bago ang una nilang sasalihang koponan na 2021 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero.

Inihatid ni Ravena ang Blue Eagles sa tatlong sunod na korona sa UAAP tampok ang 16-0 sweep sa nakaraang Season 82.

Bagama’t limitado naman ang playing time ni Tungcab sa Fighting Maroons dahil sa pagdating nina Ricci Rivero, Kobe Paras, Juan at Javi Gomez De Liano gayundin ni Bright Akhuetie, napili pa rin siya dahil sa galing niya sa depensa at sa tres.

Makakasama nila sina Isaac Go ng Columbian, Rey Suerte ng Blackwater, Matt Nieto ng NLEX, Allyn Bulanadi ng Alaska at Mike Nieto ng Rain or Shine na nakapasok na sa PBA sa ginanap na 2019 PBA Rookie Draft.

Sila ang top five draft picks subalit ayon sa kasunduan ng SBP at ng PBA ay ipapahiram muna sila sa Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup.

Pansamantala lang ito habang pinaplantsa pa ang programa ng SBP para sa permanenteng national team na sasalang sa 2023 FIBA World Cup at sa susunod pang mga torneo.

Matutukoy pa lamang ang mga naturang PBA players na tutulong sa cadets sa nakatakdang pagpupulong ng PBA Board at ng SBP.

Magaganap ang unang laban ng Gilas sa 2021 FIBA World Cup Asian Qualifiers sa Pebrero 20 kontra Thailand. Kaharap din nila sa Group A ang Korea at Indonesia.

vuukle comment

2023 FIBA WORLD CUP

THIRDY RAVENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with