^

PSN Palaro

Niemer, Mau gumawa ng ingay PSL tuloy ang arangkada

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Niemer, Mau gumawa ng ingay PSL tuloy ang arangkada
Si super import Stephanie Niemer sa kanyang pagsalang para sa F2 Logistics sa PSL.
STAR/File

MANILA, Philippines — Matinding bakbakan ang nasilayan ng buong sambayanan sa 2019 season ng Philippine Superliga.

Bumungad sa mga volleyball fans ang salpukan ng pinakamahuhusay na volleyball players sa bansa kasama ang kani-kanilang matitikas na imports sa 2019 PSL Grand Prix noong Pebrero.

Binanderahan nina American reinforcements Stephanie Niemer at Kath Bell ang Petron Blaze Spi­kers para masungkit ang kampeonato.

Nakumpleto ng Blaze Spikers ang 14-0 sweep sa eliminasyon kasunod ang pagwasak sa Cignal HD Spikers sa semifinals, 2-0.

Subalit bahagyang naalog ang Petron ng matalo ito sa Game 1 ng best-of-three championship series laban sa F2 Logistics, 20-25, 25-16, 23-25, 23-25.

Ngunit hindi agad sumuko ang Blaze Spikers nang itarak nito ang panalo sa Game 2 (23-25, 25-23, 25-14, 25-19) at Game 3 (26-24, 25-19, 23-25, 25-19) para makuha ang titulo.

Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas, siniguro ni Niemer na “mission accomplished” ang kanyang makukuha matapos ma­bigong bigyan ng korona ang Petron noong 2016 edisyon ng Grand Prix.

Itinanghal si Niemer bilang Conference MVP.

Subalit naiba ang ihip ng hangin sa All-Filipino Conference.

Umentra sa F2 Logistics si Filipino-American Kalei Mau dahilan para mas maging mapanganib ang Cargo Movers.

Gaya ng inaasahan, madaling dinomina ng F2 Logistics ang torneo.

Hindi nakaporma sa Cargo Movers ang HD Spi­kers nang kubrahin nito ang 2-0 panalo sa best-of-three championship series.

Wagi ang F2 sa Game 1 (25-22, 26-24, 18-25, 17-25, 15-8) at Game 2 (25-14, 25-16, 25-19).

Napasakamay ni Mau ang Season MVP award.

Sa Invitational Confe­rence, muling nagreyna ang F2 Logistics nang payukuin nito ang Petron sa one-game finals.

Nakuha naman ni Majoy Baron ang Season MVP plum.

Sa beach volleyball, matagumpay na naipagtanggol ng Petron ang korona sa kabila ng pagkawala ni Sisi Rondina sa lineup.

Nakasama ni Bernadeth Pons si Floremel Rod­riguez para matamis na makopo ang ikatlong sunod na kampeonato ng Petron.

Sa men’s division, naghari sina Edmar Bonono at Ranran Abdilla ng Cignal HD Spikers.

vuukle comment

PHILIPPINE SUPERLIGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with