^

PSN Palaro

PetroGazz, Creamline palung-palo sa PVL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
PetroGazz, Creamline palung-palo sa PVL
Sa taong 2019, ma­ningning ang kampanya ng PetroGazz Angels at Creamline Cool Smashers na parehong nagkampeon sa magkaibang kumperensiya.
Philstar.com/Luisa Morales

MANILA, Philippines — Angat na angat pa rin ang volleyball sa bansa.

At isa ang Premier Volleyball League (PVL) sa mga dahilan nito.

Sa taong 2019, ma­ningning ang kampanya ng PetroGazz Angels at Creamline Cool Smashers na parehong nagkampeon sa magkaibang kumperensiya.

Unang umariba ang PetroGazz nang pagreynahan nito ang Reinforced Conference.

Hinubaran ng korona ng Gazz Angels ang Cool Smashers sa bisa ng 2-1 desisyon sa best-of-three championship series.

Nakuha ng Creamline ang Game 1 sa bendisyon ng 24-26, 25-16, 25-16, 25-22 panalo.

Ngunit matikas ang resbak ng Gazz A­ngels matapos angkinin ang 15-25, 25-22, 25-22, 25-12 panalo sa Game 2 at 25-15, 28-30, 25-23, 25-19 pananaig sa Game 3 para masungkit ang kanilang kauna-una­hang korona sa liga.

Nagawa ito ng Petro­Gazz sa tulong nina  American Janisa Johnson at Cuban Wilma Salas – ang dalawang mahusay na reinforcements ng tropa.

Itinanghal na Finals MVP si Johnson sa natu­rang kumperensiya habang Best Foreign Guest Player si Salas.

Nasungkit naman ni Alyssa Valdez ang Confe­rence MVP award.

Rumesbak ang Creamline sa Open Conference.

Nakumpleto ng Cool Smashers ang 20-0 sweep para mapanatili ang kanilang korona.

Itinarak ng Creamline ang matikas na 2-0 pagbawi sa PetroGazz sa best-of-three finals.

Nanaig ang Cool Sma­shers sa Game 1 sa iskor na 25-14, 25-22, 27-25 at sa Game 2 sa pamamagitan naman ng 29-27, 25-22, 27-25.

Sa pagkakataong ito, napasakamay ni Jema Galanza ng Creamline ang Conference MVP award habang pinangalanang Finals MVP si Cool Smashers ace playmaker Jia Morado.

Sa kabuuan, mayroon nang tatlong korona ang Cool Smashers sa PVL.

Maliban sa 2019 Open Conference crown, nagkampeon din ito sa 2018 Reinforced Conference at 2018 Open Conference.

Sa Collegiate Confe­rence, dinagit ng Adamson University ang kampeonato makaraang mapaamo nito ang University of Santo Tomas, 2-0, sa best-of-three finals.

Wagi ang Lady Falcons sa Game 1 (23-25, 25-17, 25-16, 21-25, 15-11) at Game 2 (25-19, 25-6, 25-17). Pinangalanang Finals MVP si Louie Romero habang Conference MVP si Trisha Genesis.

Dahil sa kanilang tagum­pay, markado na ang Lady Falcons sa UAAP Season 82 na papalo sa susunod na taon.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with