^

PSN Palaro

Pinas No. 5 sa list ng may pinakamaraming boxing titles sa 2019

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa No. 5 ang Pilipi­nas sa listahan ng may pina­kamaraming world titles sa taong ito.

Apat na korona ang kasalukuyang nasa Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2019.

Bumabandera si le­gendary boxer Manny Pacquiao na hawak ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Dalawang beses nanalo sa taong ito si Pacquiao.

Isinelyo ng Pinoy champion ang unanimous decision win kay Adrien Broner noong Enero kasunod ang split decision win kay Keith Thurman noong Hulyo para mapanatili ang kanyang titulo.

Kinapitan naman ni Jonhriel Casimero ang World Boxing Organization (WBO) bantamweight crown kung saan sariwa ito sa impresibong third-round knockout win laban kay Zolani Tete noong Nobyembre 30 sa labang ginanap sa Arena Birmingham sa England.

Nasa listahan din si Jerwin Ancajas na kasalukuyang International Bo­xing Federation (IBF) super flyweight champion.

Gaya ni Pacquiao, da­lawang beses ding nanaig sa taong ito si Ancajas.

Pinabagsak ni Ancajas sa sixth round si Ryuichi Funai ng Japan noong Mayo sa Stockton, California kasunod ang isa pang sixth-round knockout win kay Miguel Gonzalez ng Chile noong Disyembre 7 sa Puebla, Mexico.

Gumagawa naman ng sariling pangalan si Pedro Taduran na siyang nagmamay-ari ng IVF mini flyweight title.

Nakuha ito ni Taduran matapos gapiin ang kababayang si Samuel Salva noong Setyembre 7 via fourth-round knockout win sa Taguig City.

Nasa unahan ng listahan ng may pinakamaraming world champions ang United States na may 15 korona sa pangunguna ni Errol Spence na may dalawang titulo – ang WBC welterweight at IBF welterweight.

vuukle comment

BOXING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with