^

PSN Palaro

Amit tutumbok sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kumakasa pa si Rubilen Amit nang makasiguro ito ng tiket sa semifinals ng prestihiyosong 2019 Women’s World 9-Ball Championship kahapon sa Jinghai International Holiday Hotel and Resort sa Sanya, China.

Napigilan ni Amit ang paghahabol ni Bai Ge ng host China sa huling sandali ng laro para kubrahin ang panalo sa bendisyon ng 9-5 desisyon.

Gamit ang suwabeng pagtumbok, mainit ang umpisa ni Amit nang kunin nito ang 6-3 kalamangan.

Nagawang makabalik sa porma si Bai matapos kumana ng dalawang sunod na racks para makadikit sa 5-6.

Subalit hindi nakitaan ng kaba si Amit makaraang i­selyo nito ang tatlong sunud-sunod na racks para tuluyang masungkit ang panalo.

Nakatakdang harapin ni Amit si dati ring world titlist Jasmin Ouschan ng Austria, Miyerkules ng gabi.

Hindi naman pinalad na umabante si Chezka Centeno na umani ng 5-9 kabiguan kay Wang Ling ng Chinese-Taipei sa first round.

Parehong may dalawang ginto sina Amit at Centeno sa 2019 SEA Games.

Nakaginto si Amit sa women’s 9-ball pool singles habang pinagreynahan ni Centeno ang women’s 10-ball pool singles. Nagtulong ang dalawa para makuha ang ginto sa women’s 9-ball pool doubles.

vuukle comment

RUBILEN AMIT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with