^

PSN Palaro

Philippine cue masters maaasahan din talaga

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malaki ang nai-ambag ng Pinoy billiards and snoo­ker team sa kampanya ng Team Philippines makaraang humakot ito ng apat na ginto, tatlong pilak at limang tansong medalya sa 2019 Southeast Asian Games.

Itinanghal na kampeon ang Pilipinas sa naturang event habang sorpresang pumangalawa ang Myanmar na may dalawang ginto kasunod ang Vietnam, Singapore, Malaysia at Thailand na may tig-iisang ginto.

Pinangunahan nina dating world champion Rubilen Amit at Chezka Centeno ang kampanya ng Pilipinas nang bumirada ang mga ito ng gintong medalya sa kani-kanilang events.

Nakumpleto ng dalawa ang 1-2 punch sa women’s 10-ball pool singles kung saan nagkampeon si Centeno matapos igupo si Amit sa finals.

Muling itinarak ng Pinay duo ang 1-2 finish sa women’s 9-ball pool singles ngunit sa pagkakataong ito, nagkamit ng ginto si Amit matapos makaresbak kay Centeno sa kanilang paghaharap sa gold-medal match.

Nagsanib-puwersa pa sina Centeno at Amit sa pagsikwat ng women’s 9-ball pool doubles para magarbong tapusin ang kanilang kampanya sa biennial meet.

Napigilan naman ni da­ting world champion Dennis Orcollo na ma-shutout ang men’s team makaraang pagharian nito ang men’s 10-ball pool singles.

Maliban sa dalawang pilak nina Centeno at Amit, nakapilak din sina Alvin Barbero at Jeffrey Roda sa men’s snooker doubles.

May tanso naman sina Jeffrey Ignacio at Warren Kiamco (men’s doubles), Carlo Biado at Johann Chua (men’s doubles), Efren “Bata” Reyes, (men’s 1-cusion carom), Francisco Dela Cruz (men’s 1-cusion carom), at Roda (men’s snooker singles).

vuukle comment

BILLIARDS

SNOO­KER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with