SEAG basketball dinomina ng Team Philippines
MANILA, Philippines — Pawang dinomina ng Pilipinas ang basketball event makaraang magwagi ang men’s at women’s team sa 30th Southeast Asian
Games kagabi sa Mall of Asia Arena.
Binanderahan ni June Mar Fajardo ang kampanya ng 5-on-5 team nang tumapos ito ng 17 puntos at 13 rebounds para ibigay sa Nationals ang 115-81
panalo laban sa Thailand.
Ito ang ika-13 dikit na SEAG gold ng Pilipinas at ika-18 sa kabuuan.
Nauna rito, tuluyan nang inangkin ng Gilas Pilipinas women’s team ang gintong medalya matapos pataubin ang Thailand, 91-71 sa women’s category.
Nagsanib puwersa sina Jack Animam, Janine Pontejos at Afril Bernardino upang itakas ang kampeonato at hawakan ang korona sa unang pagkakataon
simula noong 1977.
Sa kanilang panalo, tumapos ang Pilipinas women’s squad sa 3-0 win-loss record habang pumapangalawa ang Thailand sa 3-1 card.
Umani si Animam ng 21 puntos at limang rebounds para masungkit ang kanyang ikalawang gintong medalya pagkaraang mag-kampeon din sa 3x3
women’s basketball event.
- Latest