^

PSN Palaro

James, Davis nagtulong sa panalo ng Lakers

Pilipino Star Ngayon
James, Davis nagtulong sa panalo ng Lakers
Tinirahan ni Lakers’ Anthony Davis si Timberwolves’ Karl-Anthony Towns.

LOS ANGELES – Nagpasabog si Anthony Davis ng season-high 50 points habang may 32 markers si LeBron James para akayin ang Lakers sa 142-125 pagrapido sa Minnesota Timberwolves.

Ito ang league-best na 21-3 record ng Los A­ngeles tampok ang apat na sunod na ratsada para sa kanilang 10-2 marka sa kanilang tahanan.

Inilista ni Davis ang kanyang ika-50 puntos sa ikaapat na pagkakataon sa career niya.

Nagdagdag siya ng pitong rebounds at anim na assists habang may 13 assists naman si James para sa Lakers, nakakuha kay Alex Caruso ng 16 points.

Binanderahan naman nina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins ang Minnesota, nalasap ang ikaapat na sunod na kamalasan, mula sa kanilang tig-19 points.

Sa Washington, nagposte si Kawhi Leonard ng 34 points at 11 rebounds para igiya ang L.A. Clippers sa 135-119 paglampaso sa Wizards.

Nag-ambag si Paul George ng 27 points at may 20 markers si Montrezl Harrell para sa pagbangon ng Clippers mula sa 91-119  pagyukod sa Milwaukee Bucks noong Linggo.

Sa Portland, kumamada sina Dennis Schroder at Shai Gilgeous-Alexander ng tig-21 points para pamunuan ang Oklahoma City Thunder sa 108-96 panalo kontra sa Trail Blazers.

Nagtala ang Oklahoma City, nakakuha ng 20 mar­kers kay Chris Paul, ng 18-point lead sa first half at hindi na nilingon pa ang Portland.

Pinamunuan ni Damian Lillard ang Blazers, naisuko ang tatlo sa huli nilang apat na laro, mula sa kanyang 26 points.

vuukle comment

LEBRON JAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with