^

PSN Palaro

Pinoy Spikers ‘di pakakawalan ang ginto vs Indonesia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinoy Spikers �di pakakawalan ang ginto vs Indonesia
Nagbunyi ang Pinoy spikers makaraang sibakin ang Thailand at umabante sa gold medal match sa volleyball competition ng 30th SEA Games.

MANILA, Philippines — Ilalabas na ng Pinoy spikers ang lahat ng bangis nito upang makuha ang unang gintong medalya sa pagsagupa sa Indonesia ngayong araw sa 2019 Southeast Asian Games men’s volleyball tournament sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang bakbakan ng Pilipinas at Indonesia sa alas-6 ng gabi habang lalarga ang paluan ng Thailand at Myanmar sa battle-for-bronze match sa alas-3:30 ng hapon.

Mataas ang moral ng Pinoy spikers nang patalsikin nito ang four-time champion Thailand sa semifinals, 17-25, 25-20, 23-25, 27-25, 17-15, na nagbigay-daan para ma­ kabalik sa finals matapos ang apat na dekada.

Magugunitang huling umabante sa gold-medal match ang Pinoy spikers noon pang 1977 kung saan natalo ang Pilipinas sa Myanmar para magkasya sa pilak na medalya.

“Ito yung chance na lalaban kami sa championship kaya talagang lalaban kami. Pusong Pinoy. Nakaka-proud lang dahil ilang beses na silang champion (Thailand) tapos tinalo namin,” wika ni national team top hitter Bryan Bagunas.

Maliban kay Bagunas, sasandalan ng tropa si five-time UAAP MVP Marck Jesus Espejo, veteran hitter Ranran Abdilla, middle blockers Kim Malabunga at Francis Saura, at playmaker Joshua Retamar.

Nais ng Pilipinas na makaresbak sa Indonesia na bukod-tanging tumalo sa Pinoy spikers sa eliminasyon sa iskor na 23-25, 30-32, 20-25.

“Iniisip ko lang yung tiwala ng teammates ko pati yung tiwala ng c­oaching staff. Sobrang laki ng i­binigay nila sa akin na tiwala. Lahat kami lumabas talaga yung skills, nagawa namin ito ng sama-sama,” dagdag ni Bagunas.

Sa women’s division, bigo ang Pinay spikers na makapasok sa podium matapos lumasap ng 25-20, 24-26, 25-15, 20-25, 16-14 kabiguan sa Indonesia sa battle-for-bronze match.

vuukle comment

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with