Gilas cagebelles iiwas matalo sa Malaysia
MANILA, Philippines — Palalakasin ng Gilas Pilipinas women’s team ang kanilang pag-asa sa gold medal sa pagsagupa sa nagdedepensang Malaysia ngayon sa women’s basketball ng 30th Southeast Asian Games sa Mall of Asia Arena.
Nakatakda ang bakbakan sa ganap na alas-6 ng gabi.
Nagmula ang mga Pinay cagers sa 63-56 paggupo sa Indonesia noong Huwebes.
“We have to be perfectly prepared,” sabi ni coach Pat Aquino sa kanyang tropa.
Nakalasap naman ang mga Malaysians ng 47-70 pagkatalo sa Thailand.
Hangad ng Gilas women’s squad ang kauna-unahang gold medal sa SEA Games sapul nang lumahok ang bansa sa nasabing regional competition noong 1977.
Nasungkit ng mga Pinay ang silver medals noong 2011 at 2013 editions.
- Latest