^

PSN Palaro

Talaga ba?: 'Best SEA Games organizer' awardee ang PHISGOC

Philstar.com
Talaga ba?: 'Best SEA Games organizer' awardee ang PHISGOC
Taliwas sa paulit-ulit na sinasabi ni Cayetano sa social media, "SPIA Asia Excellence Award" at hindi "Best SEA Games Organizer" ang tinanggap ng PHISGOC, ayon mismo sa opisyal na website ng SPIA Asia.
Mula sa Facebook account ni PHISGOC chair at House Speaker Alan Peter Cayetano.

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng marami ang balitang pagtanggap ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee chairperson Alan Peter Cayetano sa "Best Southeast Asian Games Organizer" award. Pero ang tanong: Totoo ba ang gantimpalang ito?

Martes ng umaga nang ibahagi ni Cayetano, na speaker din ng Kamara, ang "mabuting balita" sa kanyang opisyal na Facebook page.

"Salamat Sports Industry Awards (SPIA) Asia sa paghirang sa ika-30 Southeast Asian Games bilang pinakamahusay na organizer," wika niya sa Inggles.

Muling pinanindigan ng mambabatas ang naturang claim sa caption ng paskil na ito, Miyerkules ng umaga.

Pero taliwas sa paulit-ulit na sinasabi ni Cayetano sa social media, "SPIA Asia Excellence Award" at hindi "Best SEA Games Organizer" ang tinanggap ng PHISGOC, ayon mismo sa opisyal na website ng SPIA Asia.

Kung susuriin ang listahan, hindi nag-eexist ang gantimpalang "pinakamahusay na SEA Games organizer" sa mga ibinigay na pagkilala.

Narito ang kabuuang listahan ng kategorya at nominado sa nasabing event.

Ibinalita rin ng state-funded Philippine News Agency ang nabanggit sa kanilang site ngunit kapansin-pansin na burado na ito sa ngayon.

Una nang naging mainit sa mata ng publiko ang PHISGOC dahil sa kaliwa't kanang problemang kinaharap ng mga dayuhan at lokal na atleta pagdating sa pagsundo, paghatid, tutuluyang hotel at pagkain.

Humarap din sa batikos ang paggastos ng P55 milyon sa pagpapatayo ng gagamiting cauldron sa patimpalak, na nakapagpatayo na raw sana ng 50 classrooms, ayon kay Sen. Franklin Drilon.

Miscommunication o disinformation?

Sa awards ceremony, na ginanap noong Martes sa Grand Hyatt Manila, makikita na binigyan ng award si Cayetano kasabay ng iba't ibang personalidad na may importanteng ambag sa Philippine sports.

Kahanay niya ang mga gaya nina Dr. Edwin Moses at Ronaldo Nazario De Lima na binigyan ng "SPIA Asia Sport & Beyond"; Carlos Yulo (gymnastics), James at Phil Younghusband (football) at Victor Cui (ONE Championship) na nakakuha naman ng pagkilalang "Philippine Sports Personality." 

Bagama't hindi "Best SEA Games Organizer" ang tinanggap ni Cayetano, kapansin-pansin ang side comment na ibinigay ni SPIA chief executive officer Eric Gottschalk sa PHISGOC.

"This [is], by far, the best Southeast Asian Games so far, ever. And that has been awarded by SPIA Asia to PHISGOC," ani Gottschalk matapos purihin ang 20 panibagong sports na idinagdag sa palaro ngayong taon at pangunguna sa medal tally ng Pilipinas. 

Aminado naman ang SPIA Asia sa kanilang "frequently asked questions" section na suportado ng PHISGOC ang kanilang organisasyon.

SPIA ASIA – Asia’s Sports Industry Awards & Conference is endorsed and supported by various government entities. This year, the Tourism Promotions Board Philippines endorses and supports SPIA ASIA.

Further, SPIA ASIA is likewise supported by the Philippine SEA Games Organizing Committee.

Totoo man o hindi ang titulong pinakamahusay na SEA Games organizer, PHISGOC lang ang nag-iisang organizer ng mga palaro.

Depensa ni Cayetano

Huwebes ng hapon, game na game naman si Cayetano sa pagpapaliwanag tungkol sa tinanggap na award.

"Well, first of all, 'yung special award... is not for me, not for one organizer, not even for President Duterte, para sa lahat 'to eh," sabi niya sa mga reporter.

Pinabulaanan din niya ang mga paratang na hindi totoo ang award at ispinonsoran lang ng PHISGOC ang SPIA.

Ang mga 'yan, kahit na makikita sa mismong website SPIA, ay tinawag na "fake news" ni Cayetano.

"Ako mismo, nagulat ako dito sa award na ito," dagdag niya.

Tugon naman niya sa mga nagtatanong kung bakit inawardan agad sila kahit 'di pa tapos ang 2019 SEA Games, nagsimula na ang hosting ng Pilipinas simula nang tanggapin niya ang flag sa Malasia.

"So marami pong mga events na wala sa media: from hosting the technical officials, from bringing in the SEA Games Federation, mga conference... the last year and a half na naganap, kasama lahat 'yan sa hosting," sabi niya pa.

"Sa ating mga kababayan, you can bash me, you can bash people you don't like. Pero don't bash your own country."

vuukle comment

2019 SOUTHEAST ASIAN GAMES

ALAN PETER CAYETANO

PHILIPPINE SOUTHEAST ASIAN GAMES ORGANIZING COMMITTEE

SPIA ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with