^

PSN Palaro

PH polo team asam ang ginto

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
PH polo team asam ang ginto
Rep. Mikee Romero

MANILA, Philippines — Asam ng Philippine national polo team na masungkit ang gintong medalya ngayong araw sa 0-2 goals division sa pagpapatuloy ng polo competition ng 30th Southeast Asian Games sa Miguel Romero Polo Field sa Calatagan, Batangas.

Tiwala si team captain at Party-list Rep. Mikee Romero na matutuloy pa rin ang mga laro kahit sa banta ng Bagyong ‘Tisoy’ na inaasahang mananalasa sa Bicol Region at Virac, Catanduanes ngayong araw.

“We’re praying that it will not rain so hard here so we can start our event. We’re all excited to play,” sabi ni Romero.

Ayon kay Romero kung sakaling malakas ang ulan at hindi puwedeng ipagpatuloy ang mga laro, ipagpapaliban hanggang bukas ang nasabing event at ang finals ay gaganapin sa Linggo.

Ang ibang mga miyembro ng koponan na sina Coco Garcia, Nicole Eusebio, Jam Eusebio at Santi Juban ay handang-handa na para sungkitin ang gintong medalya at bumawi sa kanilang talo sa Malaysia, 4-6, noong nakaraang Linggo.

“Everybody is determined to contribute to the country’s bid to win the overall championship and we are all inspired after the explosive first day,” dagdag ni Romero.

Isinagawa kahapon ang draw kaya pinaghandaan ng Team Philippines ang kahit sino man ang makaharap nito,” ayon pa kay Romero.

Bukod sa Malaysia, ang ibang malalakas na koponan ay ang Indonesia at po­werhouse Brunei nina Prince Jeffri at Prince Qawi na kapwa mga miyembro ng Brunei’s royal family.

vuukle comment

SOUTHEAST ASIAN GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with