^

PSN Palaro

Diaz natupad ang minimithi

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon
Diaz natupad ang minimithi
Ang buhat na ito ang nagbigay ng ginto kay Hidilyn Diaz.
Joey Mendoza

MANILA, Philippines — Isinalba ni Hidilyn Diaz ang Pilipinas sa weighlifting competition matapos sungkitin ang gintong medalya sa women’s 55-kg division ng 30th Southeast Asian Games sa Ninoy Aquino Stadium sa Manila.

Nagtala ang 28-anyos na si Diaz ng kabuuang 211-kg mula sa 91-kg. sa snatch at 120-kg sa clean and jerk para angkinin ang kanyang unang ginto sa SEA Games sa harap mismo ng mahigit 1,500 kababayan na sumuporta.

“Nagka-medalya na ako sa Olympic (silver) at sa Asian Games noong 2018 sa Indonesia kaya ito na lamang din ang kulang ang ginto sa SEA Games kaya masayang-masaya ako,” sabi ni Diaz pagkatapos ng victory ceremony.

Ito pa lamang ang u­nang gintong medalya ng Team Philippines sa weighlifting competition makaraang tumapos sa bronze medal ang pinsan ni Hidilyn na si Mary Flor Diaz sa women’s 45-kg (159-kg) at silver medalist naman si John Fabliar Ceniza sa men’s 55-kg (252-kg) sa unang araw noong Linggo.

“Ngayong nakuha ko na ang aking first SEA Games gold, my next focus is the 2020 Olympic Games sa Tokyo, Japan. I’m very confident sa a­king mga susunod na hakbang,” dagdag ng Zamboanga City-native na si Diaz.

Nakuha naman ni Nguyen Thi Thuy ng Vietnam ang silver medal sa kabuuang 197-kg (82 snatch 115 clean and jerk) habang bronze medalist naman si Klarissa Juliana ng Indonesia sa kabuuang 175-kg (80 snatch 95 clean and jerk).

Sa ibang events, bigo sa Elien Rosa Perez sa women’s 49-kg makaraang tumapos lamang sa ika-apat na puwesto sa  171-kg total lift sa likuran nina Aisah Windy ng Indonesia (190), Phyo Pyae Pyae ng Myanmar (180-kg) at Ngo Thi Quyen ng Vietnam (172-kg).

Si Dave Lloyd Pacaldo ay pang-apat din sa men’s 61-kg division sa kanyang total lift na 250-kg habang nakuha ni Irawan Eko ng Indonesia ang ginto (309-kg) at silver medalist naman si Thack Kim Tuan ng Vietnam (304-kg) at bronze medalist si Bin Bidin Muhamad Aznil ng Malaysia (283-kg). 

vuukle comment

HIDILYN DIAZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with