^

PSN Palaro

Yulo sasabak na sa aksyon

Pilipino Star Ngayon
Yulo sasabak na sa aksyon

MANILA, Philippines — Nakatutok ang spot light kay Carlos Yulo sa pag-arangkada ngayong araw ng 2019 Southeast Asian Games gymnastics competitions sa Rizal Memorial Coliseum.

Lalarga ang qualification ngayong araw habang idaraos naman ang apparatus competitions sa Martes at Miyerkules.

Hangad ni Yulo na makuha ang pitong gintong medalya sa men’s artistic gymnastics event matapos ang impresibong kampanya sa 49th FIG World Artistic Gymnastics Championships na ginanap kamakailan sa Stuttgart, Germany.

Umukit ng pangalan si Yulo sa world meet nang angkinin nito ang gintong medalya sa floor exercise kasama pa ang nakuha nito ng tiket sa 2020 Olympic Games na gaganapin naman sa Tokyo, Japan.

Nakabalik na sa Pilipinas si Yulo kasama si Japanese coach Munehiro Kugimiya.

Agad na sumalang sa training si Yulo sa ilalim ng matinding pagbabantay ni Kugimiya para plantsahin ang mga gusot sa performance nito.

“Focus lang ako nga­yon sa SEA Games. Yun muna ang focus ko, wala nang iba. After this, saka ko na pagtutuunan ng pansin yung iba pang kailangang tutukan,” wika ni Yulo.

Makakasama ni Yulo sa kampanya si Reyland Capellan ang reigning champion sa floor exercise na nakuha nito noong 2017 SEA Games sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Hindi nakalahok si Yulo noong 2017 dahil nasa juniors division pa ito. T­anging ang 18-over athletes lamang ang maaaring lumahok sa SEA Games.

Kaya naman inaasa­hang makukuha ng Pilipinas ang 1-2 punch sa floor exercise at sa iba pang events.

Hindi lang si Yulo ang nagsanay sa Japan.

Nagtraining din ang lahat ng SEA Games-bound gymnasts sa Tokyo bago sumalang sa biennial meet.

vuukle comment

CARLOS YULO

RIZAL MEMORIAL COLISEUM

SEA GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with