^

PSN Palaro

Sarangani niyanig ang Quezon City

Francisco Cagape - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa wakas, pumasok na rin sa win column ang Sarangani Province Marlins matapos sorpresahin ang paboritong Quezon City Capitals, 78-74, sa 2019 Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Lakan Cup sa Sarangani Capitol Gym sa Alabel, Sarangani.

Ang unang panalo sa 21 laro ng Sarangani ay nangyari makaraang palitan ang dating pangalan na Soccksargen Marlins.

Umarangkada ang Marlins ng 11-0 run sa hu­ling dalawang minuto sa pangunguna nina Pari Llagas, Miko Estrellante at Jorem Morada para agawin muli ang bentahe, 72-65.

Umani si Llagas ng 17 puntos habang 12 puntos naman kay Orin Catacutan na may kasamang 11 rebounds para sa Marlins.

Tumulong din ng 11 puntos si Morada at sampu mula kay John Mark Trinidad. Tumipak din ng walong puntos si Estrellante para sa koponan ni coach Manny Torralba.

Dahil sa talo, ang QC Capitals ay nahulog sa 9-14 win-loss kartada sa Northern Division. Nasa­yang din ang 16 puntos ni Clark Derige at 15 puntos ni Joco Tayongtong para sa Capitals.

Sa iba pang laro, nag­wagi ang Pampanga Green Lanterns kontra sa Parañaque Patriots, 82-63, upang makamit ang pang-14 panalo sa 23 laro at ihulog ang Patriots sa 8-15 slate.

vuukle comment

MAHARLIKA PILIPINAS BASKETBALL LEAGUE

MPBL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with