^

PSN Palaro

Philippine Azkals silat sa Myanmar

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Philippine Azkals silat sa Myanmar
Si Stephan Schrock ng PH Azkals laban 2 player ng Myanmar sa kanilang laban sa football event ng 3oth Manila SEAG.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Lumasap ng kabiguan ang men’s football team habang nagkasya sa draw ang men’s water polo squad sa 2019 Southeast Asian Games na ginaganap sa magkakaibang venues sa iba’t ibang panig ng bansa.

Inilabas ng Azkals ang bangis nito ngunit kapos pa rin ito para anihin ang 1-2 desisyon laban sa powerhouse Myanmar kahapon sa Rizal Memorial Football Stadium sa Malate, Manila.

Dahil dito, nahulog ang Pilipinas sa ikaapat na puwesto sa Group A hawak ang isang puntos habang umangat sa unahan ang Myanmar tangan ang apat na puntos mula sa isang panalo at isang draw.

Nahablot ng Myanmar ang unang goal matapos makalusot si Aung Kang Man sa matinding depensa ng Azkals sa ika-16 minuto ng laban para makuha ang 1-0 kalamangan.

Hindi agad sumuko ang Azkals nang ikarga ni Justin Baas ang isang umaatikabong goal sa ika-45 minuto sa tulong nina midfielder Yrick Gallantes at Dennis Chung para maitabla ang iskor sa 1-1 sa pagtatapos ng first half.

Gitgitan ang laban sa second half bago nakuha ni Win Naing Tung ang winning goal ng Myanmar sa ika-79 minuto para tulu­yang makuha ang panalo.

Sunod na makakasagupa ng Pilipinas ang Malaysia sa Biyernes sa alas-8 ng gabi sa parehong venue.

Tanging ang dalawang mangungunang koponan lamang sa bawat grupo ang papasok sa semifinals.

Sa men’s water polo, naitakas ng Pinoy squad ang 6-6 draw kontra sa 2017 SEA Games silver medallist Indonesia sa New Clark City Aquatics Center sa Capas, Tarlac.

Sa katunayan, nakabaon ang Pilipinas sa 5-6 iskor sa huling kanto ng laro.

Ngunit nagawang ma­kahirit ng Pinoys ng goal sa huling sandali ng laro para maipuwersa ang draw.

Galing ang krusyal na goals kina Vincent Sicat at Paolo Serrano.

“This was a big result considering it was Indonesia, the 2017 silver medal winner,” ani national team head coach Rey Galang.

Nakalinya pa sa makakalaban ng Pilipinas ang Malaysia, Thailand at defending champion Singapore.

Ipinatutupad ang single-round robin format kung saan ang mangungunang koponan ang magkakamit ng ginto habang pilak at tanso naman sa dalawang sunod na tropa.

vuukle comment

AZKALS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with